Binigyan na ng gobyerno ng P1 bilyon ang LTFRB para itulong sa mga driver sa gitna na rin nang pagsirit ng presyo ng oil products.
Ayon sa Development Budget Coordination Committee (DBCC), ang nasabing pondo ay magsisilbing cash grant sa halos 180 thousand PUV drivers hanggang sa susunod na buwan bilang bahagi ng pantawid-pasada program ng LTFRB.
Huhugutin ang pondo sa fiscal year 2021 unprogrammed appropriations sa ilalim ng Support for Infrastructure Projects at social programs.
Ngayong araw na ito ikinasa ang ika-9 na sunod na linggong oil price hike.