Iniurong ng apat na grupo ng transportasyon ang hirit na pisong dagdag-pasahe.
Kasunod ito ng naging pagpupulong ng pasang masda, alliance of transport operators and Drivers Association of the Philippines (ALTODAP), Alliance of Concerned Transport Organization (ACTO), at 1-United Transport Koalisyon o 1-UTAK sa Department of Transportation (DOTR).
Ayon kay Pasang Masda National President Obet Martin, ibinabala ni Transportation Secretary Arthur Tugade na malaki ang magiging epekto ng fare increase sa inflation o pagtaas ng mga bilihin.
Kapalit naman ng pag-atras sa hirit na dagdag-pasahe, itataas ng pamahalaan ang pondo sa fuel subsidy sa 5 billion pesos mula sa 2.5 billion pesos.
Dahil dito, aabot sa 13,000 pesos ang fuel subsidy na matatanggap ng mga benepisyaryo na ilalabas sa dalawang tranches, ngayong Marso at sa Abril.
Mapapasama na rin ang traditional jeepneys sa service contracting program ng pamahalaan.