Tanggap naman ng mga mangagagawa ang pagtaas ng piso na dagdag pasahe sa mga jeep sa National Capital Region, Region 3 at Region 4.
Matatandaang inilbas ng Land Tranportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang desisyon na dagdagan ng 1 peso ang pasahe sa mga jeep na bumibyahe sa mga nabanggit na rehiyon.
Inihayag ng labor group na Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) na naiintindihan ng mga obrero kung bakit kailangan magdagdag ng pasahe sa mga public utility jeepney.
Ayon kay TUCP Spokesperson Alan Tanjusay, kahit na mabigat sa kanila ang dagdag pasahe ay tinanggap na lamang ito at inuunawa bilang tulong na rin sa mga jeepney driver.
Dagdag ni Tanjusay na ang mga jeepney driver ay kabilang sa pinakamatinding naapektuhan ng pandemya at pagtaas ng presyo ng petrolyo.
Kung ito aniya ang makatutulong upang gumaan ang pasanin ng mga jeepney driver kaya’t hindi tutol ang mga manggagawa rito.