Nasabat ang P1-M halaga ng hinihinalang shabu ng mga elemento ng Philippine National Police (PNP) sa magkahiwalay na operasyon sa Cebu.
Batay sa ulat na nakarating sa Camp Crame, ikinasa ang unang operasyon sa Banilad, Cebu City ng City Intelligence Unit at Drug Enforcement Unit kung saan aabot sa P442-K na halaga ng ipinagbabawal na droga ang nakumpiska.
Samantala, sa isa pang operasyon sa Paknaan, Mandaue City, nahulihan ng P714-K na halaga ng pinaniniwalaang shabu ang isang High-Value drug suspect.
Mahaharap naman ang mga suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. —ulat mula kay Gilbert Perdez (Patrol 13)