Mahigit isang milyong pisong halaga ng shabu ang nasabat mula sa isang suspek sa isinagawang buy bust operation sa Camarines Sur.
Kinilala ang naarestong si Gregorio Richelieu Ayen, 51-anyos, residente ng barangay La Purisima, sa bayan ng Pili.
Ayon sa Pili Municipal Police, nasa 150 gramo ng shabu ang nakumpiska mula kay Ayen bukod pa sa isang baril na may dalawang bala.
Nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang suspek. —mula sa panulat ni Jenn Patrolla