Mahigit P1-M halaga ng shabu sa ang nasabat sa buy-bust operation sa Caloocan City.
Naaresto naman ang suspek na si Jessie Zozobradon, alyas “Jess”, 32 anyos, residente ng Barangay 174.
Ayon kay Northern Police District (NPD) Director, Brig. Gen. Ponce Rogelio Peñones Junior, nakumpiska kay Zozobradon ang nasa 150 grams ng shabu.
Nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2022 ang suspek. —sa panulat ni Jenn Patrolla