Kalaboso ang isang binata matapos masamsaman ng aabot sa isang milyong pisong halaga ng umano’y shabu sa Bacoor, Cavite.
Kinilala ang suspek na si alyas Mak habang nakatakas ang dalawa nitong kasama na sina alyas Tabo at Nora.
Ayon sa pulisya, nasa 150 gramo ng iligal na droga ang nakuha sa suspek.
Nananatili ngayon sa kustodiya ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang binata habang patuloy na iniimbestigahan ng mga otoridad kung may kinalaman sa Drug Trafficking Group ang mga kasama nito na gumagamit ng mga menor de edad sa pagbebenta ng shabu sa lugar.