Nag-alok ng P1M pabuya si Pangulong Rodrigo Duterte sa makaaaresto sa mga bilanggong nahatulan dahil sa ‘heinous crimes’ na maagang nakalaya dahil sa Good Conduct Time Allowance (GCTA) law.
Ginawa ito ng pangulo, dalawang araw bago matapos ang labing limang (15) araw na ultimatum niya sa mga convict na maagang napalaya para kusang sumuko sa mga otoridad.
Ayon kay Pangulong Duterte, makakakuha ng P1M ang mga makadakip sa mga heinous crimes convict, buhay man o patay.
Dagdag ng pangulo, kanya na ring inatasan si Finance Secretary Carlos Dominguez III na maghanap ng pondo na kakailanganin niya para sa inanunsyong pabuya.
I will just set the timeline, and then the P1 million price is available to those who can capture them (convicts), dead or alive, but maybe ‘dead’ will be a better option. I will pay you smiling,” — Pangulong Rodrigo Duterte.