Arestado ang anim (6) na hinihinalang miyembro ng sindikatong gumagawa ng mga pekeng pera sa barangay Pinagbuhatan, Pasig City.
Kinilala ni Senior Superintendent Wilson Asueta, Hepe ng Criminal Investigation and Detection Group-National Capital Region o CIDG-NCR ang mga naaresto na sina Jaypee Balis, Aladdin Akil, Satar Akil,Ramil Badang, Alpha Sabar at Watari Kusay.
Ayon kay Asueta, ibinebenta ng P300 ang kada isang piraso ng pekeng 1000 peso bill habang P100 naman ang bentahan sa kada piraso ng pekeng 500 peso bill.
Ibinebenta aniya ito ng sindikato sa mga palengke at posibleng gamitin rin sa darating na barangay at SK elections bilang pambili ng boto.
Bukod sa pekeng pera na aabot sa 1 milyong piso, nakumpiskahan din ng mga hindi lisensyadong armas ang grupo.
Sasampahan ng kasong illegal possession and use of bank notes at illegal possession of firearms ang mga suspek.
—-