Aprubado na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB ang pisong provisional increase sa minimum fare sa jeep sa Metro Manila, Central Luzon at Southern Luzon.
Dahil dito, magiging 9 pesos na ang pasahe sa unang apat na kilometrong biyahe ng jeep sa mga nasabing rehiyon mula sa kasalukuyang 8 pesos.
Gayunman, nilinaw ni LTFRB Board Member, Atty. Aileen Lizada na kailangan munang ilabas ang official written order bago tuluyang ipatupad ang pansamantalang dagdag singil.
Sa pulong kahapon, dalawang pisong increase ang hirit ng mga transport group dahil malaking kabawasan umano sa kanilang kita ang patuloy na pagtaas ng presyo ng diesel.
Maliban sa mga jeepney driver, humihirit din ng dagdag-pasahe ang iba pang pampublikong sasakyan tulad ng taxi at UV Express.
—-