Nakukulangan ang grupong 1-United Transport Alliance Koalisyon (1-UTAK) sa inaprubahan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na pisong dagdag pasahe sa jeep sa NCR, Region 3 at 4-A.
Ayon kay 1-UTAK Chairman at President Vigor Mendoza, hindi sapat ang piso na dagdag-pasahe lalo’t malayo na ang hinahabol na presyo ng mga jeepney driver dahil sa pagtaas ng oil price hike.
Wala anyang ibang paraan upang mabayaran ang malaking gastos at bawas sa kinikita ng mga driver dahil sa krudo.
Dahil dito, muling hiniling ng 1-UTAK at iba pang transport group na suspendihin muna ang excise tax sa oil products.