Inihayag ng grupo ng mga panadero na malabo pa rin ang P1 rollback sa presyo ng tinapay.
Ito’y kahit nagmura na ng mahigit 28 porsyento ang presyo ng harina sa pandaigdigang pamilihan.
Ayon sa Filipino Chinese Bakery Association, posible pang mangyari ang rollback kung bababa na sa P800 piso ang presyo ng kada sako ng harina.
Ang magagawa lamang nila sa ngayon, palakihin at dagdagan ng 5 grams mula sa 35 hanggang 40 grams ang timbang ng tinapay ngunit hindi magbabago ang presyo nito sa 2.50 pesos.
Sa kasalukuyan, naglalaro sa P830 hanggang P850 ang presyo ng kada sako ng harina na hindi nagbabago ang presyo mula noong isang taon.
Iniimbestigahan na rin ng Department of Trade and Industry ang presyuhan sa harina.
By Jaymark Dagala