Iniulat ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na umabot sa P10.41 bilyong halaga ng ilegal na droga ang nasamsam ng pamahalaan sa ilalim ng anti-drug campaign ng Pangulo.
Sa pagtutulungan ng Department of the Interior and Local Government (DILG), Dangerous Drugs Board (DDB), Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), at Philippine National Police (PNP), naitalang higit sa 27,000 na barangay ang nilinis mula sa ilegal na droga.
Umabot naman sa 56,000 ang mga naaresto mula sa 44,000 anti-illegal drug operations ayon sa PNP.
Samantala, naitalang 50 probinsya, higit sa 1,000 munisipalidad, at 30 lungsod ang mayroong functional Anti-Drug Abuse Councils (ADACs) na nagpapatupad ng anti-drug programs sa lokal na antas.