Ikinasa ng Land Bank of the Philippines ang Sulong Saka Program.
Ayon sa Land Bank layon ng nasabing programa na mabigyan ng dagdag access ang mga magsasaka sa credit assistance at maisulong ang mas pinalawak na crop diversification partikular para sa high value crops.
P10-B ang inilaan ng Landbank para sa naturang programa na makakatulong sa mga maliliit na magsasaka na palaguin ang kanilang production ng high value crops tulad ng gulay, prutas at industrial crops.
Binigyang diin ni Landbank President at CEO Cecilia Borromeo na ang sulong saka program ay bahagi ng pinaigting na efforts nila para palakasin ang pagsuporta sa mga adhikain para sa agricultural sector.