Inaprubahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang alokasyong mahigit P10-B para sa ayuda sa 80% ng populasyon sa Metro Manila.
Ito’y kasunod ng pagsasailalim ng National Capital Region sa ECQ simula sa Agosto 6.
Ang bawat isa na kwalipikado sa ayuda ay makakatanggap ng P1,000 cash aid at P4,000 maximum na cash aid para sa isang sambahayan.
Ayon kay Sen. Christopher Bong Go, ang alokasyong mahigit P10-B, ay rekomendasyon mula sa DBM, NEDA at iba pang kinauukulang ahensya ng gobyerno para matugunan ang pangangailangan ng mga residenteng maapektuhan ang hanap-buhay bunsod ng pagpapatupad ng ECQ sa rehiyon.