Tiniyak mismo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na gumagawa ng paraan ang pamahalaan para maibalik ang tinapyas na pondo ng Department of Education para sa 2025.
Iginiit ni PBBM na ang ginawang budget cut ay salungat sa policy direction ng administrasyon sa usapin ng pagpapa-unlad ng science, technology, engineering, and mathematics, gayundin ng sektor ng edukasyon.
Ang nawalang 10 billion pesos aniya ay bahagi ng 12 billion pesos na nakalaan para sa computerization item.
Dagdag pa ng presidente, ayaw niyang mag-veto ng anumang line item sa budget, kaya’t ipinapangako niyang gagawa siya ng paraan at hakbang upang maibalik ito. Sa panulat ni Giblert Perdez (PAtrol 13)