Masyado pang maaga para hatulan kung labis nga ba ang P10 bilyong pisong inilaan at ginastos ng gobyerno para sa pagdaraos ng APEC Summit sa bansa.
Ayon kay Senador Francis Escudero, hindi ngayon ang tamang panahon para magkuwentahan at pumuna dahil sa ngayon pa lamang nagdadatingan ang iba’t ibang lider ng mga bansang kasapi ng APEC.
Pagtitiyak ni Escudero, magpapalabas siya ng post-APEC assessment upang malaman kung tama ba o hindi ang naging paggastos sa nasabing pondo.
Sa ngayon pa lamang aniya, kaliwa’t kanang batikos na ang inaabot sa pondong inilaan ng gobyerno para sa APEC dahil maraming proyekto at serbisyo na sana ang maaaring paggamitan nito.
By Jaymark Dagala | Cely Bueno (Patrol 19)