Itinutulak ni deputy speaker at Las Piñas Rep. Camille Villar ang 10 bilyong pisong pondo para sa mga indigent cancer patients.
Sa ilalim ng House Bill 5686 o Cancer Medicine Treatment Fund for Filipinos, magtatatag ng isang cancer treatment program sa pamamahala ng Philhealth.
Ayon kay Villar, ang cancer ang nangungunang sanhi ng pagkamatay ng mga Pilipino dahilan na rin sa mataas na pagpapagamot na aabot sa P100,000 kada session.
Ipatutupad ang programa sa lahat ng mga Philhealth accredited government hospital sa bawat congressional district para sa mga may sakit ng cancer at tutukuyin ng state health insurer, Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Department of the Interior Local Government. –-mula sa panulat ni Jenn Patrolla