Halos plantsado na ang Bayanihan to Act as One 2 (Bayanihan 2) sa bicameral conference committee.
Ayon kay Senate Minority Leader Franklin Drilon, tinanggap na ng senado ang P162-bilyon na Bayanihan 2 fund na bersyon ng kamara.
Gayunman, dahil P140-bilyon lamang anya ang available fund na sinasabi ng Department of Finance, gagawin na lamang nilang standby fund ang balanseng P12-bilyon upang magamit pa rin sa sandaling magkaroon ng pondo.
Sinabi sa DWIZ ni Drilon na tanging ang P10-bilyon pondo na lamang para sa tourism sector ang hindi pa mapagkasunduan.
Nais anya ng kamara na ilagay ang pondo sa infrastructure, samantalang naninindigan naman ang senado sa bersyon nito na gamitin ang pondo para sa pagbangon ng maliliit na tourism enterprises na isa sa pinaka-apektado ng COVID- pandemic.
Initially sabi nila, dapat dito sa mga infrastructure, sa turismo. E, sabi namin (senado), hindi naman kailangan ang infrastructure ngayon dahil walang turista, at ang mamamatay ‘pag walang turista, ‘yun pong tourism enterprises, ‘yung mga maliliit na kumpanya na kailangang mabuhay habang walang turistang dumadating,” ani Drilon. —sa panayam ng Ratsada Balita