Nagkaloob ng sampung (10) milyong pisong donasyon ang Korean Embassy para sa mga apektado ng bulkang Mayon.
Ang donasyon ay tinanggap ni Philippine Red Cross o PRC Chairman Senador Richard Gordon mula kay Korean Ambassador to the Philippines Han Dong-Man, Minister Counselor Kyun Jongho at Chief Economist Mabellene Reynaldo.
Nagpasalamat si Gordon sa tulong ng Korea para matugunan ang maraming pangangailangan ng mga evacuee sa Albay.
Kabilang sa mga bibilhin mula sa donasyon ng Korean Embassy ay hygiene kits, malinis na potable water at mga gamit para makapagpatayo ng comfort rooms.
—-