Tiklo ang isang babae matapos makuhanan ng mahigit 10 milyong pisong halaga ng ilegal na droga sa ikinasang buy bust operation sa Caloocan City.
Ayon sa awtoridad, nasabat sa suspek ang nasa 1,600 na gramo ng hinihinalang shabu na nakasilid sa iba’t ibang sukat ng plastic bag.
Nabatid na halos isang linggo nang tinitiktikan ng pulisya ang suspek bago ikinasa ang naturang operasyon.
Kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang kinakaharap ng suspek.