Dalawang (2) kilo ng droga na tinatayang nasa sampung milyong piso (P10-M) ang narekober sa bahay ng Vice Mayor ng Marawi City na si Arafat Salic sa loob ng compound ng Mindanao State University sa Marawi.
Ayon kay Chief Inspector William Santos ng PNP o Philippine National Police Drug Enforcement Group, batay sa inisyal na pagsusuri, maituturung na high grade ang shabu na kanilang narekober.
May nakita rin anya silang mga foil sa loob ng bahay ng bise alkalde at may mga nakasulat na katagang I Love ISIS.
By Jonathan Andal