Maglalabas ng sampung milyong pisong (P10-M) calamity fund ang Philippine Charity Sweepstakes Office o PCSO para magbigay ayuda sa mga biktima ng bagyong Urduja.
Ayon kay PCSO General Manager Alexander Balutan, 24 oras na bukas ang kanilang mga tanggapan sa Visayas partikular sa Biliran, Tacloban, Calbayog, Maasin at Catarman.
Ito ay upang maalalayan ang mga biktima ng bagyong Urduja na hihingi ng financial medical assistance sa PCSO.
Dagdag ni Balutan, kanila na ring inabisuhan ang Malakanyang na sapat pa ang pondo ng PCSO para sa mga gamot at pang ospital ng mga naapektuhan ng bagyo.
Aniya, meron pang natitirang siyamnapu’t limang milyong pisong (P95-M) calamity fund ang PCSO mula sa isang daang milyong pisong (P100-M) nakalaan dito kada taon.