Nilinaw ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang isyu nang pagbubuwis sa mga cash incentives at iba pang benepisyong ibinigay kay Hidilyn Diaz matapos makuha ang kauna-unahang Olympic Gold Medal ng Pilipinas.
Ayon sa BIR, ang P10-M cash incentive para sa Olympic Gold Medal Winners mula sa gobyerno, batay sa nakasaad sa Republic Act No. 10699 ay maikukunsidera na exclusion o hndi kabilang sa gross income sa pamamagitan ng Section 32 ng Tax Code.
Sinabi pa ng BIR na hindi na rin bubuwisan ang iba pang naipangakong ibibigay kay Diaz tulad ng libreng biyahe sa eroplano, sasakyan at house and lot, kung nabayaran na ng donors ang kinauukulang buwis ng mga ito.
Inihayag ng BIR na mabuti na lamang ay naibaba na ang Donors Tax Rate sa 6% sa sosobra sa P250,000 base na rin sa sinasabi sa Train Law.