Umapela ang Liga ng Transportasyon at Operators sa Pilipinas (LTOP) sa mga drivers na huwag munang maningil ng sampung pisong minimum na pasahe sa jeepney.
Ayon kay Orlando Marquez, pangulo ng LTOP, bagamat aprubado na ang permanenteng sampung pisong minimum na pasahe, sa Nobyembre pa ang implementasyon nito matapos ang labing limang (15) araw na paglalathala sa mga pahayagan.
Hinikayat ni Marquez ang mananakay na ireklamo sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang mga jeepney na aabuso sa bagong talagang pasahe.
“Mayroon po tayong nakatakda, nakasulat sa tagiliran ng mga jeep, case number, plate number, karapatan niyo pong magreklamo, pakikinggan ‘yan ng LTFRB at DOTr kapag hindi nila sinunod ang tamang implementasyon na kailangan 15 araw muna ng publication bago i-implement.” Pahayag ni Marquez
(Balitang Todong Lakas Interview)