Isinulong ng Federation of Free Workers (FFW) ang implementasyon ng P100-B stimulus package para mapadali ang economic recovery ng bansa.
Ang nasabing halaga ay magsisilbing subsidy loan para sa micro, small and medium enterprises.
Inihayag ni FFW president Sonny Matula na hindi sapat ang dagdag-sahod na inaprubahan ng iba’t ibang regional tripartite wages and productivity boards para sa mga minimum wage earner.
Gayunman, nagpapasalamat pa rin anya ang mga labor group sa umentong ipinagkaloob ng mga regional wage board na kahit paano ay makatutulong upang maibsan ang epekto ng tumataas na presyo ng mga bilihin.
Una nang inirekomenda ni presidential adviser for entrepreneurship Joey Concepcion na dapat protektahan ng susunod na administrasyon ang mga MSME na kabilang sa mga susi sa job creation sa buong bansa.