Sinira ng mga tauhan ng Department of Trade and Industry (DTI) ang aabot sa P100-K uncertified products na nasabat sa South Cotabato.
Ayon sa DTI Region 12, ang nasabing mga produkto ay kinabibilangan ng mga wires at cables, mga christmas lights, tools, blenders, electricfans at iba pa.
Sinabi ng ahensya na ang mga steel bars na nasamsam ay hahati-hatiin at ibebenta na lamang sa publiko bilang scrap items na maaari pang mapakinabangan.