Mahigit isandaang (100) milyong piso na ang naipalabas ng gobyerno bilang ayuda sa mga magsasakang naapektuhan ng El Niño phenomenon.
Ayon ito kay Agriculture Secretary Emmanuel Piñol matapos ipamahagi ng Philippine Crop Insurance Corporation (PCIC) ang nasabing halaga.
Sinabi ni Piñol na ilang magsasaka na rin ang nag-loan kung saan inaasahang makakakuha ang mga ito ng tig-25,000 pesos.
Kasabay nito, binigyang diin ni Piñol ang pagpapalakas sa sistema ng irigasyon dahil halos tatlong milyong ektarya pa ng taniman sa bansa ay hindi nabibigyan ng pantay na distribusyon ng tubig sa ilalim ng irigasyon.
Dams in Luzon
Samantala, patuloy ang pagbaba ng antas ng tubig sa mga dam sa Luzon dahil wala pang nararanasang pag-ulan.
Ayon sa PAGASA Hydro Meteorology Division, alas-6:00 kaninang umaga, ang water level sa Angat dam ay nasa 191.84 meters na mas mababa kumpara sa water level nito kahapon na nasa 192.36 meters.
Nananatili naman sa 68. 51 meters ang water level sa La Mesa dam.
Nabawasan naman ang water level sa iba pang dam sa Luzon tulad ng Ipo, Ambuklao, Binga, San Roque, Pantabangan, Magat at Caliraya.
—-