Itinakda ng Department of National Defense (DND) sa Enero 6 ang pre-bid conference para sa P100 milyong pisong halaga ng mga armas.
Ito’y para sa dalawang bagong biling FA-50 lead in fighter jets ng Pilipinas na unang binili sa South Korea.
Layon ng pagbili sa halos 100 rounds ng 20 milimeter ammunition na gawing handa ang dalawang eroplano sa anumang combat operations.
Ayon kay Col. Restituto Padilla, tagapagsalita ng Armed Forces of the Philippines, (AFP) bibigyan ng 360 araw ang sinumang mananalong bidder para i-deliver ang mga nabiling armas.
By Jaymark Dagala