Aabot sa P100-M pisong halaga ng smuggled na ukay-ukay ang nasabat sa operasyon ng Valenzuela City.
Pinangunahan ng mga tauhan ng Customs Intelligence and Investigation Service-Intellectual Property Rights Division (CIIS-IPRD) at BOC-PORT of manila ang operasyon sa isang warehouse na matatagpuan sa No. 8 Rincon Road sa nabanggit na lungsod.
Ayon kay Commissioner Rey Leonardo Guerrero, kabilang sa mga nadiskubre ang ibat-ibang uri ng mga damit na may pekeng signature items tulad ng nike, crocs, sandugo, at iba pa.
Kasalukuyan nang sinusuri ng Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS), National Bureau of Investigation (NBI), at Armed Forces of the Philippines (AFP) ang mga nakumpiskang smuggled na ukay-ukay.
Sa ngayon, patuloy pang iniimbestigahan ng mga otoridad kung sino ang responsible sa pagkakasabat sa mga nabanggit na produkto na posibleng maharap sa paglabag sa Intellectual Property Code of the Philippines o RA 8293 at Customs Modernization and Tariff Act o RA 10863. — sa panulat ni Angelica Doctolero