Maglalabas ang pamahalaan ng 100 million pesos upang tulungan ang mga residente ng Dinagat Islands na muling itayo ang kanilang mga bahay na winasak ng bagyong Odette.
Sa pagbisita sa Dinagat ni Pangulong Rodrigo Duterte, inatasan nito ang National Housing Authority na magbigay ng “housing assistance” na nagkakahalaga ng 100 million pesos sa mga biktima ng bagyo na ang mga bahay ay “partially totally damaged.”
Inihayag ni Acting Presidential Spokesman Karlo Nograles na ang housing assistance ay bukod pa sa financial aid at food packs na ipinag-utos ng pangulo sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) na ibigay sa mga biktima.
Nakipagkita rin anya ang pangulo sa mga bakwit at nangakong bibilisan ang clearing operations.
Tiniyak naman ng Department of Energy (DOE) ang pagde-deliver ng gasolina at iba pang petroleum products sa Dinagat Islands.