P100-milyon ang inihanda ng SM Group bilang tulong sa mga ospital ng pamahalaan sa harap ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) outbreak.
Ayon sa anunsyo ng SM Group ang naturang halaga ay ipagkakaloob sa Philippine General Hospital (PGH) at Research Institute for Tropical Management (RITM).
Nakipag-ugnayan na rin ng SM Group sa Manila HealthTek Inc. upang mamahagi ng 20,000 test kits ng libre sa mga ospital ng gobyerno sa sandaling maaprubahan ito.