Posibleng hindi kayanin ng mga maliliit na employers sa bansa ang panukalang P100 dagdag sahod sa mga manggagawa.
Ito ang sinabi ni Department of Labor and Employment Secretary Bienvenido Laguesma na kung saan mula sa registered existing businesses sa bansa ay nasa mahigit 900,000 ang nasa kategorya ng micro, small at medium enterprises.
Sinabi pa ng kalihim na bukod sa P100 panukalang dagdag sa minimum wage kada araw, madaragdagan din ang mga benepisyo ng mga manggagawa na sasagutin din ng mga employers.
Giit pa ng DOLE mas dapat pagtuunan ang pagtulong sa ngayon sa mga maliliit na negosyo lalo na’t nanggaling ang mundo sa pandemya. – sa panunulat ni Jeraline Doinog