Kinakailangang magbayad ng P100 travel insurance ng mga turista bago makapasok sa isang sikat na resort-island sa Boracay.
Ayon kay Mayor Frolibar Bautista, ito ay para sa kanilang security.
Ang malay Municipal Ordinance No. 2021-444 o ang Insurance System para sa “mga pinsala sa katawan o kamatayan na maaaring maranasan ng mga turista” habang nasa boracay ay ipinatupad noong Nobyembre 23.
Sinabi ni Bautista na kinokolekta ito ng isang private company sa pamamagitan ng memorandum of agreement na nilagdaan ng lokal na pamahalaan ng malay.
Ngunit aniya, hindi mandatory ang pagbabayad ng travel insurance sa kanila ng pagpirma sa implementing rules and regulations ng kautusan.
Sa ngayon ay hindi pa ganap na ipinatutupad at patuloy pa ring pinag-aaralan ng mga otoridad ang nasabing ordinansa. - sa panunulat ni Hannah Oledan