Iginiit ng isang grupo ng mga manggagawa ang P100 umento sa sahod sa National Capital Region (NCR).
Ayon sa Defend Jobs Philippines, panahon na para itaas ang suweldo ng mga manggagawa sa gitna na rin nang patuloy na pagtaas ng presyo ng bilihin at epekto ng pandemya.
Naiintindihan naman anila ang sitwasyon ng employers subalit kailangan ngayon ang suporta ng gobyerno para makaagapay sa hirap ng buhay ang mga empleyado.
Umapela naman ang Employers Confederation of the Philippines (ECOP) na ipagpaliban muna ang hirit na dagdag-sahod dahil dapa pa ang maraming negosyo dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.