Posibleng mapasakamay na ng dalawang milyong retirees ng SSS o Social Security System ang kanilang P1,000.00 dagdag sa pensyon na bahagi ng campaign promise noon ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ang nasabing halaga ay kalahati ng P2,000.00 na planong ipagkaloob na dagdag sa pensyon ng mga retirado.
Kinumpirma ni SSS Chairman Amado Valdez na naisumite na sa Malakanyang ang mga dokumento para sa P1,000.00 pension increase at hinihintay na lamang malagdaan ni Executive Secretary Salvador Medialdea.
Una nang inihayag ng SSS na P1,000.00 muna ang kakayanin na maibigay sa ngayon batay sa kakayahan ng kanilang pondo.
By Meann Tanbio