Aprubado na ng National Capital Region Tripartite Wages and Productivity Board (NCR–TWPB) ang dagdag na P1,000 sa buwanang sahod ng mga kasambahay sa Metro Manila.
Ayon kay Department of Labor and Employment Director Rolly Francia, dahil sa wage increase, magiging P6,000 na ang sahod kada buwan ng mga kasambahay sa National Capital Region.
Nasa 200,000 kasambahay sa Metro Manila ang makikinabang sa dagdag-sweldo bunsod na rin ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin.
Sa kabila nito, aminado naman si Labor Secretary Silvestro Bello III na hindi sapat ang P1,000 pisong dagdag-sahod.
Samantala, isasailalim pa sa pagsusuri ng National Wages and Productivity Commission na magpupulong ngayong araw ang naturang desisyon ng NCR-TWPB.