Nagviral sa social media ang post ni Jonathan De Vera na P1,000 Polymer Banknote na naaksidente nitong maplantsa.
Nakasaad sa post ni De Vera na iniligay niya ito sa sobre dahil ayaw niyang malukot ngunit nakalimutan niyang may pera palang nakasuksok sa kanyang pantalon.
Nakitang dahilan ni Jonathan ay ang pagplantsa sa kanyang pantalon dahil hindi niya naman ito nilabhan.
Nagtungo naman siya sa banko upang papalitan ang dalawang ordinary P1000 bill ngunit hindi pumayag ang banko.
Samantala, samu’t saring opinyon naman ang ikinomento ng mga netizens.
Tulad na lamang ng:
• Sayang, makakabili pa sana ng sibuyas
• Ibig sabihin pati pera ngayon plastic dati tao lang
• Ipa-frame mo na lang tapos i-display.
• Pa-laminate mo po hehe – sa panunulat ni Jenn Patrolla