Inaprubahan na ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board o RTWPB ang isang libong pisong umento sa minimum na sahod ng mga kasambahay sa Zamboanga Peninsula.
Sa ilalim ng Wage Order no. 2 ng board, magiging 3,500 pesos na ang pinakamababang puwedeng pasuweldo para sa mga domestic workers sa rehiyon.
Saklaw ng kautusan ang Zamboanga Del Sur, Zamboanga Del Norte at Zamboanga Sibugay, kabilang ang mga lungsod ng Dapitan, Dipolog, Pagadian, Zamboanga at Isabela.
Sinasabing makikinabang sa wage increase ang lahat ng mga kasambahay, stay-in man o kahit hindi nakatira sa bahay, kabilang ang mga cook, yaya, hardinero, labandera at household staff.