Sapat na ang sampung libong pisong suweldo ng mga manggagawa sa isang buwan para magkaroon ng disenteng buhay ang isang pamilya na may limang miyembro.
Iyan ang inihayag ng National Economic and Development Authority o NEDA sa harap na rin ng hinaing sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo o inflation.
Ayon kay NEDA Undersecretary Rosemarie Edillon, batay sa kanilang pagtaya, aabot sa isandaan at dalawampu’t pitong piso (P127) lamang bawat araw ang kailangang ilaan ng isang pamilya para sa pagkain.
Kahapon, inihayag ng NEDA na bumilis pa ang pagtaas ng inflation rate ng Pilipinas noong Mayo sa 4.6 percent, mas mataas kumpara sa 4.5 percent na naitala noong Abril ng taong kasalukuyan
Pero ayon kay Usec. Edillon, mas mabagal naman aniya ito kumpara sa naging pagtaya ng BSP o Bangko Sentral ng Pilipinas na 4.9 percent.
—-