Isinusulong ni Buhay Party-list Representative Lito Atienza ang panukalang batas na magpapababa sa edad ng mga senior citizen na makatatanggap ng P100,000 cash incentive kasabay ng pagdiriwang Elderly Filipino Week ngayong unang linggo ng Oktubre.
Ayon kay Atienza, dapat makatanggap na ng 100,000 cash mula sa pamahalaan ang mga senior citizen na nasa edad 90 at hindi na dapat hintayin pa na umabot ito sa edad na 100.
Paliwanag ng mambabatas, ito ay upang mapakinabangan pa ng mga matatanda ang nasabing halaga dahil karamihan sa mga ito ay nakaratay na at hindi na makalakad.
Matatandaang nakasaad sa ilalim ng Centenarian Act na makatatanggap ng P100,000 at iba pang benepisyo mula sa gobyerno ang mga Pinoy na nasa edad 100 o mahigit pa.
—-