Hawak na ng isang babaeng street sweeper mula Malabon at isang magsasaka mula Quezon Province ang magkahiwalay na premyo nilang P100 million mula sa lotto games ng Philippine Charity Sweepstakes Office.
Ayon sa PCSO, kinubra na ng babae ang P103.2 million na napanalunan nito sa Mega Lotto 6/45 draw noong June 17, 2022.
25 taon na umanong nagtatrabaho bilang taga-walis ang babae at walang permanenteng trabaho ang kaniyang asawa.
Kinubra na rin ng 29- anyos na lalaking magsasaka mula General Nakar, Quezon ang napanalunan nitong P100 million sa 6-58 Ultra Lotto draw noong May 24.
Nasungkit ng magsasaka ang winning combination sa pamamagitan ng “Lucky Pick” system.