Tinatayang P102-M na halaga ng shabu ang nakumpiska ng awtoridad sa mga inilunsad na buy bust operation sa Cebu City.
Naaresto naman ang suspek na kinilalang si John Vincent Camion, 24-anyos.
Nasamsam ng Cebu City Police, Police Regional Office – 7 Anti-drug and Intelligence Units kasama ang Philippine Drug Enforcement Agency mula sa suspek ang nasa sampung kilo ng droga.
Natimbog si Camion sa barangay Guadalupe, habang tatlo pang operasyon ang inilunsad sa barangay Duljo-Fatima at barangay Mabolo, kung saan tatlong suspek pa ang nahuli.
Inihayag ni PNP chief, Gen. Dionardo Carlos na maaaring magresulta ang mga operasyon sa pagkakasiwalat kung paano nag-o-operate ang illegal drug traders sa Cebu City at iba pang mga lugar sa Region 7.