Aabot sa mahigit P105-M halaga ng iligal na droga ang nasabat ng mga otoridad sa magkakahiwalay na operasyon sa Central Visayas.
Unang nakuha ng mga pulis ang nasa P102-M halaga ng iligal na droga sa dalawang suspek na kinilalang sina Eric Felisilda, 46-anyos, at Neil James Vallesquina, alyas ‘’Bolantoy’’, 28-anyos sa Barangay Poblacion, Lapu-Lapu City, Cebu.
Sa ikalawang operasyon ng mga otoridad, aabot naman sa mahigit P3-M halaga ng pinaghihinalaang shabu ang nakumpiska sa limang suspek na naaresto sa Bacong, Negros Oriental; Talisay City, Cebu; at sa Toledo City, Cebu.
Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 laban sa pitong suspek.
Sa ngayon, patuloy pang nagsasagawa ng imbestigasyon ang mga otoridad upang matukoy ang iba pang kasabwat at mapanagot ang mga ito sa batas.