Uubrang makapagpasa ang Kongreso ng P10B supplemental funds para sa mga biktima ng pagsabog ng Taal Volcano.
Ayon kay Senator Sherwin Gatchalian, posible kasing kulangin ang 27 billion calamity fund na hawak ng gobyerno mula sa 2020 national budget at tirang budget nuong 2019.
Batay kasi sa pag-aanalisa ng mga eksperto, maaring pumalo sa 35 billion ang damages na naiwan ng pagsabog ng bulkan at posible pa itong tumaas.