Aaksyunan ni Quezon City Representative Patrick Michael Vargas sa liderato ng kamara ang panukalang batas na nagsusulong ng P 10K na teaching supplies allowance para sa pampublikong mga guro sa ating bansa.
Ayon kay Vargas na siyang may akda ng House Bill 1472 , magandang regalo ngayong National Teachers Month na matugunan ng kongreso ang iba’t ibang pangangailangan o panawagan ng mga guro.
Paraan din ito ng pasasalamat sa mga teacher na ang dedikasyon at sakripisyo ay natatangi para lamang matiyak ang dekalidad na edukasyon para sa mga estudyante sa gitna pa rin ng COVID-19 pandemic.
Aniya, ang teaching supplies allowance ay ipagkakaloob sa mga pampublikong guro taon-taon.
Sinabi ni Vargas, ang P 10K teaching supplies ay uubra ngang pambili ng mga gamit para sa pagtuturo ng mga guro.