Nasabat ng mga awtoridad ang mahigit P10M halaga ng pinaghihinaang shabu sa isinagawang operasyon sa Quezon Province kamakailan.
Naaresto ang suspek na si Jomer Lucer Nera, alyas “Palits” sa unang Anti-Drug Operation na isinagawa sa Purok Daus, Barangay Poblacion 61, Real nakalipas na Disyembre 13 dakong 11:57 ng gabi.
Nakumpiska sa suspek ang 1,222,980 halaga ng shabu, cocaine na nagkakahalagang ₱950,502.00 at marked money.
Samantala, nadakip din ng mga awtoridad ang isa pang suspek na kinilalang si Jasmin Dagohoy Abueg, edad 40 at alyas “Ma’am Tess” sa Purok Villa Sante, Brgy. Ibabang Dupay, Lucena City dakong 9:40 ng umaga.
Nakuha sa suspek ang ₱7,775,100 halaga ng cocaine, buy-bust money at isang sling bag.
Nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang dalawang suspek at mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. —mula sa panulat ni Maize Aliño-Dayundayon