Tiklo ang isang babae matapos makuhanan ng mahigit sampung milyong pisong halaga ng ilegal na droga sa ikinasang buy-bust operation sa Caloocan City.
Ayon sa mga otoridad, nasabat sa suspek ang nasa 1,600 na gramo ng hinihinalang shabu na nakasilid sa iba’t-ibang sukat ng plastic bag.
Nabatid na halos isang linggo nang tinitiktikan ng pulisya ang suspek bago ikinasa ang naturang operasyon.
Kasong paglabag sa Republic Act (RA) 9165 o comprehensive dangerous drug act of 2002 ang kinakaharap ng suspek.