Nakumpiska ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) ang aabot sa sampung milyong pisong halaga ng smuggled cigarettes sa ikinasang operasyon sa Orion, Bataan.
Sa tulong ng pinagsanib puwersa ng mga tauhan ng Enforcement Security Services-Customs Intelligence and Investigation Service (ESS-CIIS), Philippine National Police (PNP) at Philippine Coast Guard (PCG) K9 Unit, sinalakay ang isang tindahan at resort sa Barangay San Vicente nitong Hunyo a-6.
Sa bisa ng Letter of Authority (LOA) na inilabas ni Commissioner Rey Leonardo Guerrero, nakumpiska ang nasa 487 kahon ng sigarilyo.
Inihahanda na ang kasong paglabag sa Republic Act 1401 o Customs Modernization and Tariff Act laban sa may-ari na hindi na pinangalanan matapos makuhanan ng mga puslit na sigarilyo.