Nakatakda nang simulan sa susunod na taon ang konstruksyon ng P11.2 billion halaga ng Jalaur Megadam project sa Iloilo.
Ayon sa National Irrigation Administration (NIA)-Western Visayas, nagsimula nang dumating ang mga equipment at naghahanda na rin ang Korean contractor na Daewoo Engineering and Construction sa pagtatayo ng mga nasabing proyekto.
Nag-issue na rin ang NIA ng notice to proceed sa contractor matapos aprubahan ng korea export-import bank ang kontrata sa pagitan ng ahensya at Daewoo para sa konstruksyon ng Jalaur River Multipurpose Project Phase II sa bayan ng Calinog.
Inaasahang matatapos ang pagtatayo ng dam sa susunod na dalawang taon o sa taong 2021.